Wednesday, December 5, 2007

Hindi Lahat ng Payat at Nakikinig sa Rock ay Hamak


Marami nalilito kung ano ba talaga at paano umiikot ang buhay ng Rockista..masaya,puno ng musika at madalas di maintindihan ng mga tao. Maaaring sa kadahilanang naguguluhan sila sa ingay ng musika at madalas napag-iisipan ng masama. Kadalasa'y napagkakamalang nalilihis ng landas o kaya ang sabi ng marami "adik". Maaring tama sila subalit hindi lahat sa mga ito ay pakaliwa ang tungo. At ang katutuhanan ay "adik" nga..adik sa buhay ng musika. Iba-iba ang klase ng musika pero karapatan ng bawat isa na makapamili kung alin ang aangkop sa panlasa.

Sa tingin ng karamihan kapag payat ang tao may ginagawang hindi matino..bakit di itigil ang mapanghinalang isipan ng mga talangkang galit sa katutuhan. Bakit di buksan ang saradong isipan at alamin muna ang katutuhanan bago magbigay ng opinyong di makatao sa masasaktan. Marami sa maganda at kagalang-galang tignan ay may baho ding tinatago sa katawan. Mukhang malusog pero hangin lang naman ang laman ng tuktok.

Itigil na ang ganitong panghahamak sa mga payat at nakikinig ng rock!


by:

puting tupa